Monday, January 28, 2008

Eksena sa pagkuha ng OEC

Dahil sa na-experience ko kahapon at mejo meron akong time para magkwento, na-inspire tuloy ako magkwento.

Pumunta kami ng asawa ko sa Lucky Plaza para kumuha ng OEC. Para sa mga nde nakakaalam ang OEC ay isang exit pass para sa mga OFW na gustong umuwi ng Pilipinas para magbakasyon. Dahil mahaba ang pila sa Lucky Plaza, nagdecide kami na kumuha sa Philippine Embassy mismo. At dito iikot ang kwento ko...

Pag pumunta ka ng embassy, bibigyan ka ng papel at may isusulat silang number...queue ticket kumbaga, nde nga lang eletronic. Sasabihan ka ng guard "Don't cut queue" meaning wag ka sisingit dun sa pila. Limited lang ang chairs kaya kung ang lahat ng upuan e may nakaupo na, no choice ka kung nde pumila. By batch tatawagin ang mga numbers at pupunta kayo sa counter para gawin ang inyong transaction.

Eto ang mga characters sa kwento ko:
Guy 1: binigyan ng queue number 317, 318, 319 dahil meron pa shang ibang kasama
Guy 2: binigyan ng queue number 320
Ako: binigyan ng queue number 321
Guy 3: binigyan ng queue number 322

Nakatayo kami sa pila, shempre sunod-sunod kaming nakapila based sa hawak na queue number. Makes sense naman di ba? Tuloy ang kwento...sinilip ng asawa ko ang counter at ang pila...mahaba nga ang pila talaga. Siguro dahil maraming kukuha ng OEC dahil uuwi lahat sa Chinese New Year. Habang sinisilip ng asawa ko ang pila, si Guy 1, inabot niya ang numbers 318 at 319 kay Guy 2 at sinabi niyang "Sa iyo na lang to, umalis na kasi yung mga kasama ko e". Sa puntong yun, ang inisip ko "Bakit kelangan pa niya ipasa ung papel. Ah..siguro tinatamad shang maghawak ng maraming papel. Or ayaw niya lang magtapon ng papel". Kinuha naman ni Guy 2 ang papel. Hawak na niya ang number 318, 319, at 320. Medyo natagalan shang isipin kung ano ang gagawin. Hanggang sa Ting! Nag-decide na sha na kunin ang 318. Tumalikod sha sa akin at inalok ang number 319 at 320. Sa puntong iyon nakikinig si Guy 3. Sabi ko kay Guy 2 "Nde ko na kukunin kasi ang importante sunod-sunod pa rin naman tayo." (with matching turo sa kanya, sa sarili ko, at kay Guy 3). Sa isip ko kasi, bakit kelangan pa ipasa ng ipasa ung papel na sobra (319 at 320), bakit nde na lang itago o itapon. Tutal kapag natawag ang number na iyon at walang magpunta, e di tuloy pa rin naman sa susunod na number...321 pa rin which is ako na tapos 322 which is si Guy 3 naman. Logical naman di ba?

Eto na ang bida (o kontrabida)... si Guy 3. Dahil nakitang niyang nde ko na kinuha, sabi niya: "E since nde mo kinuha, e di ako na ang kukuha." At kinuha niya ang number 319 kay Guy 2. Take note, narinig niya ang paliwanag ko kung bakit hindi ko na kinuha ung papel kay Guy 2 ha. Sa inis ko, nasabi ko talaga sa kanya "Ay pasaway ka ha." At mejo nasabi kong "Leche!" pero nde ko sa kanya nasabi dahil tumalikod na ako sa kanya. (Nakita ko na kasi ang asawa ko pabalik sa akin. Akala niya nakikipagkaibigan ako. Yun pala nakikipag-away na.) Humabol pa si Guy 3 ng isang ngiting aso at sinabi pa sa akin na "E tumanggi ka e" na talaga namang feel na feel niyang nakalamang sha dahil naunahan na niya ako sa pila. Siguro naman obvious naman ang punto ko di ba, nakapila kami, ako lang din naman ung nasa harap niya. Ano ba naman yung maghintay ka tutal kung tutuusin, nabawasan naman na ng 2 tao sa pila. Pare-pareho kaming Pinoy at naghirap pumila...un nga lang may manggugulang talaga.

Dahil mahaba ang pila, nag-decide kami ng asawa ko na sa Pinas na lang kumuha ng OEC. Marami pa rin kasi kami gagawin at hinahabol din namin ang Australian Open Tennis finals. Pag-alis ng Embassy, inis na inis talaga ako. Ngayon lang siguro kasi ako nakakita ng garapal talaga na nanggulang sa pila. Nasanay kasi ako sa buhay sa UP Diliman. Uso ang pila, mula registration, bayaran ng tuition, at pagpila sa sakayan. Naisip ko agad, siguro nde tinuruan ang batang yun na pumila (kawawa naman). Or sadyang tuso or manggugulang lang sha.

Kung kayo kaya ang nasa lugar ko, ano kaya ang gagawin ninyo?

No comments: